Saturday, February 11, 2006

Feb. 05

Mahal mo ba ako?

Oo, ikaw

Ikaw nga ang tinatanong ko. Bakit? May problema ka ba don?

Hindi mo ba ako pwedeng mahalin? Hindi ba? Bakit? Sa anong dahilan at pipiliin mong siya kaysa mahalin ako?

Dahil ba sa itsura? Sa ugali? Sa estado sa buhay? Ano ang basehan mo ng pagpili? Bakit ganon ka pumili?

Mahirap ba akong mahalin? Masasaktan ka ba kung pagbibigyan? Minsan lang ako darating sa buhay mo, bat mo palalagpasin ang isang pagakakataon? Baka pagkaalis ko, magsisi ka at pinakawalan mo ako.

Isang pagkakataon lang naman. Malay mo baka…. baka lang naman magtagal at kailanman hindi na tayo magkahiwalay.