Wednesday, January 26, 2011

Hanggang sa Muli

Kung sakaling dumating ang panahon na ika’y tumingin

Umaasa parin matutupad ang aking mithiin

Bumilang man ng ilang daang taon ang lumipas

Puso ko’y tutunguin parin ang iyong landas


Ilayo man ako ng langit, tubig or bagyo

Walang ibang hihilingin kundi ang mapasayo

Lisanin man aking piling at mamaalam mang muli

Huwag nang pagdudahan na ikaw lamang hanggang sa huli

No comments: