I think I should change.
Ewan ko kung nagpapakasenti lang ba ako o talagang nahihibang na talaga. Aba eh nagdaan lang ang holy week eh nagkakaganito na ako. Or maybe I do have some point. In reflecting last quaresma, actually to be honest eh wala akong bagong nalaman,, walang meaningful reflections, eye-opening experiences or kahit miracles. Wala. So pwedeng palabasin na walang kwenta ang reflection na yun pero ok lang. dapat nga ba akong magbago? Kelangan na ba? Ganun na ba kapangit ugali ko that I needed some greener grass??
Alam ko na change is ok.. if it’s for the better. Eh sandale.. ano ba talaga ang gusto kong baguhin?? Hindi ko alam at wala akong ideya. Basta bigla nalang sumage na parang maganda ang magbago. O baka hindi rin… siguro sa sub conscious mind ko andun na talaga. Di lang nagpapapansin.. anyways.. yun nga isa pa eh bakit ko nga ba gustong magbago?? At para kanino ba ang pagbabgo na iyon? Sabi ng mommy ko, kelangan ang pagbabago ay nangagaling sa puso ng taong gustong magbago. Kung hindi eh hindi raw magiging epektib. Parang gamot. For example… masakit ulo mo,, iinom ka ng gamot. Sa paniniwala mo na gagaling ka dahil sa uminom ka ng gamot eh gagaling ka talaga. Hindi ba? Ayun. Nafifeel ko na hindi ko gagawin ito para sa sarili ko. Ngunit para kanino? Kay mama?? Sa mga kaibigan ko? Ah basta ang alam ko lang eh mamahalin nila akong lahat, ano man ako… tanggap nila kung sino man ako. Eh ako? Tanggap ko kaya ang sarili ko?? Ewan.
Maraming pagkakamali na ang nagawa ko. Marami eh yung mga tipong life-changing events. Masakit man ang mga yun eh oks lang… tutal marami naman akong natutunan at hindi. Haha, siguro given a chance kaya na pwede kong ulitin ang mga events, ano kaya ang gagawin ko? Pipiliin ko ban a pagdaan ulet lahat yun? Siguro dapat ang sagot, oo kasi kung hindi… hindi ako ganito ngayon. Masaya ako nagyon at contented pero given the circumstances, I could have been much happier now pero tama na… ayoko ng regrets.. naiinis lang ako. Ayoko ko ng mga what-ifs kasi nafufrustrate lang ako lalo sa mga katangahan ko. Actually, tanga parin ako hanggang ngayon pero iba nang klase. Haha. Paano? Hindi ko masasabi eh..
Balik tayo sa change.. haay,, naalala ko noon.. sabi ko sa nakachat kong friend,, change is two-faced. Tama naman nga ako. Kasi kahit anong change pala.. maron positive at negative side. hindi maiiwasan yun. Haha. Kahit anong liko, left turn, kurba.. babalik at babalik ka parin sa fact na ganun talaga. So I guess ok parin ang pagbabago… para mag step out daw sa comfort zone.. meron palang ganito noh?? Hindi uso kasi sakin toh. Haha.
Naku inaantok nako.. matutulog na ako!! Babush…
I scribbled at 12:20 am… haha..
Sourgraping sucks!!
2 comments:
Looking for information and found it at this great site... payday loan software canada Americans in debts web development lancashire
Where did you find it? Interesting read Loyola university of chicago bill pay buspirone travel insurance protection Epco heaters culinary schools best rated dishwasher Seo search engine optimization mammothconglomerates.com Honest fast money plans that work I710 ringtone loader Portable hard water filters online commodity trading Spectre flat panel monitor vitaline vitamins http://www.natural-breast-enhancement-0.info hotel offers cooper toric contact lenses Grosse body builder Video professor online training
Post a Comment